Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nanawagang palakasin ang laang-gugulin at kooperasyong pandaigdig para mapalakas ang pandaigdigang sistema ng seguridad na nuklear

(GMT+08:00) 2016-04-02 10:33:11       CRI

Washington D.C., Abril 1 2016—Idinaos dito ang Ika-4 na Nuclear Security Summit (NSS). Komprehensibong inilahad sa pulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga patakaran at paninindigan ng Tsina, isinalaysay ang bagong progreso ng Tsina sa larangan ng seguridad na nuklear, at ipinatalastas ang mga hakbangin ng bansa sa pagpapalakas ng seguridad na nuklear at pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig.

Ang tema ng kasalukuyang summit ay "pagpapalakas ng pandaigdigang sistema ng seguridad na nuklear." Mga lider o kinatawan galing sa 52 bansa, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig ang kalahok dito.

Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Xi na sa ika-3 NSS sa Hague, Netherlands, naninindigan siya sa pagtatatag ng makatarungan, kooperatibo, at win-win na sistemang pandaigdig ng seguridad na nuklear. Para rito, dapat aniya palakasin ang laang-guguling pulitikal, buklurin ang komong palagay ng komunidad ng daigdig, itatag ang bagong relasyong pandaigdig na ang nukleo nito ay win-win cooperation, at pasulungin ang pagsasaayos sa pandaigdigang seguridad.

Tinukoy pa niyang sapul nang idaos ang NSS sa Hague, natamo ng Tsina ang bagong progreso sa larangan ng seguridad na nuklear. Aniya, masipag na hinanap ng Tsina ang mabisang paraan ng pagpapalakas ng seguridad na nuklear, at inilakip sa pangkalahatang sistemang panseguridad at batas sa seguridad ng bansa ang seguridad na nuklear. Batay sa ekspektasyon sa win-win cooperation, ipinatupad ng Tsina ang obligasyong pandaigdig at pangakong pulitikal, at aktibong pinasulong ang pagpapalita't pagtutulungang pandaigdig, dagdag pa niya.

Ayon kay Xi, patuloy na palalakasin ng Tsina ang seguridad na nuklear ng bansa, aktibong pasusulungin ang kooperasyong pandaigdig, palalaganapin ang teknolohiya at karanasan, at ibabahagi ang yaman at plataporma.

Kung magkakatulong ang iba't ibang panig, at patuloy na magpapalakas ng seguridad na nuklear, tiyak na magiging mas maganda ang prospek ng paghahatid ng enerhiyang nuklear ng benepisyo sa sangkatauhan, dagdag pa ni Xi.

Salin: Vera

Photo Credit: Xinhua

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>