Ipinahayag nitong Martes, April 5, 2016, ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang kasalukuyang tagapangulo ng UN Security Council (UNSC) ngayong Abril, pananatilihin ng Tsina ang mahigpit na pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga kasapi ng UNSC para pasulungin ang pagiging mas pragmatiko at mabisa ng mga gawain nito.
Ayon sa ahenda ng UNSC, idaraos ang halos 30 pulong para suriin ang mga ulat hinggil sa mga isyu ng Syria, Yemen, Palestina at Israel, South Sudan, Somalia, paglaban sa terorismo at pirata sa Gulf of Guinea.
Ipinahayag din ni Hong na kinakatigan ng Tsina ang pagganap ng nukleong papel ng UNSC sa pangangalaga sa kapayapaan at paglutas sa mga hidwaan sa mapayapang paraan.