Miyerkules, ika-6 ng Abril 2016, sinabi ni Zaw Htay, Tagapagsalita ng Ministro ng Tanggapang Pampanguluhan ng Myanmar, na nilagdaan na ni Pangulong Htin Kyaw ang rebisadong batas hinggil sa pagtatalaga ng pambansang tagapayo sa loob ng pamahalaan. Manunungkulan si Aung San Su Kyi bilang Pambansang Tagapayo. Siya rin ay naitalaga bilang Ministrong Panlabas at Ministro ng Tanggapang Pampanguluhan ng Myanmar.
Nauna rito, magkahiwalay na pinagtibay ang rebisadong batas ng Mataas na Kapulungan at Mababang Kapulungan ng Myanmar. Ayon sa konstitusyon ng bansa, hindi kailangan ang muling pagboto ng Konsehong Pederal sa rebisadong batas na pinagtibay ng Mataas at Mababang Kapulungan. Pormal na magsisilbi itong batas pagkaraang lagdaan ito ng pangulo.
Ayon sa nilalaman ng nasabing rebisadong batas, ang pagtatalaga ng pambansang tagapayo ay para maisakatuparan ang mga target ng kapayapaan ng bansa, pagpapaunlad ng sistema ng market economy at sistemang pederal, masaganang pag-unlad at iba pa.
Salin: Vera