Kuala Lumpur, Miyerkules, ika-6 ng Abril 2016—Ipinahayag ni Tuan Masir Kujat, Pangalawang Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Malaysia na mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan, nadakip ng Malaysia ang 177 suspek na may kinalaman sa teroristikong aktibidad.
Nang sagutin ang tanong ng mga manbabatas sa Mababang Kapulungan nang araw ring iyon, ipinahayag ng nasabing opisyal na kaugnay ng pagpapalaganap ng Islamic State (IS) ng ekstrimistikong kaisipan at pangangalap ng bagong miyembro sa pamamagitan ng social media, aktibong sinuperbisa ng kanyang ministri at panig pulisya ang mahigit 1000 Facebook account, Twitter account at blogs na may kinalaman sa teroristikong aktibidad, para mapigilan ang pagkalat ng ekstrimistikong kaisipan sa Malaysia.
Dahil isinasagawa ng pamahalaang Malay ang napakabigat na pagbibigay-dagok sa anumang teroristikong aktibidad sa loob ng bansa na may kinalaman sa IS, palagiang tinatanggap nito ang banta ng tetoristikong pagsalakay ng IS. Nauna rito, pagkaraang itaas ng Britanya ang lebel ng panganib ng teroristikong pagsalakay sa Sabah at ilabas ng pamahalaang Australian ang travel alert sa Malaysia, magkakasunod na inilabas din ng Estados Unidos, Switzerland, Canada, New Zealand, at Ireland ang travel alert sa bansang ito.
Salin: Vera