Beijing, Miyerkules, ika-6 ng Abril 2016—Lumagda ang Polar Research Institute of China at National Science and Technology Development Agency (NSTDA) ng Thailand, Chulalongkorn University, National Astronomical Research Institute of Thailand, at iba pang organo sa memorandum of understanding (MoU), para magkakasamang mapasulong ang pangmatagalang kooperasyon ng kapuwa panig sa mga larangang gaya ng polar marine biology, oceanography, atmosphere and astronomy, geophysics, geochemistry at iba pa.
Sa seremonya ng paglagda, sa ngalan ng panig Tsino at Thai, lumagda sa memorandum sina Yang Huigen, Direktor ng Polar Research Institute of China, at ang pangalawang direktor na tagapagpaganap ng NSTDA. Sumaksi sa paglagda memorandum si Maha Chakri Sirindhorn, dumadalaw na Prinsesang Thai.
Salin: Vera