Ayon sa Indonesian Agency for Meteorology, Climatology and Geophysics(BMKG), naganap nitong Miyerkules ng gabi, Abril 6, 2016 ang magnitude 6.1 na lindol sa karagatang malapit sa lalawigang West Java, Indonesya. Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kapinsalaan ng buhay at ari-arian. Wala namang ipinalabas na babala sa tsunami ang BMKG.
Ayon sa ulat, naganap ang naturang lindol sa 10:45 ng gabi, Manila-Beijing time. Ang epicenter nito ay matatagpuan sa Bunisari, nayon sa Cianjur, West Java, at may lalim na 10 kilometro.