Isinasagawa ng pamahalaan ng Indonesya ang serbisyo na tinaguriang "aprobado sa 3 oras." Ito'y proyekto na nagpapaginhawa sa pamumuhunan sa imprastruktura.
Ipinatalastas kamakailan ng Lupon ng Koordinasyon ng Pamumuhunan, Ministri ng Enerhiya at Mineral Resources, Ministri ng Publikong Proyekto at Housing, at Ministri ng Transportasyon ng Indonesya, na matatapos sa loob ng 3 oras ang pag-aaproba ng mga proyekto ng imprastruktura sa apat na larangan na kinabibilangan ng transportasyon, pampublikong proyekto, enerhiya at komunikasyon. Ayon pa sa naturang lupon, para sa nabanggit na 4 na larangan hindi na kailangang umabot sa 7.5 milyong dolyares ang laang-puhunan at 1,000 ang empleyado ng isang kompanya para maaprobahan ang proyekto.
salin:wle