Sa pakikipag-usap sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 6, 2016 sa kanyang counterpart ng Lao People's Revolutionary Party(LPRP) na si Sounthone Xayachack, ipinahayag ni Liu Yunshan, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na napapanatili ng CPC at LPRP ang pagpapalitan hinggil sa kani-kanilang kalagayang panloob ng estado, at ito ay isinasagawang tradisyon ng dalawang partido. Aniya, sa harap ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos sa taong ito, nakahanda ang CPC na magsikap, kasama ng LPRP para mapahigpit ang pagpapalitan sa mataas na antas at mapalalim ang pragmatikong pagtutulungan, para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Sounthone Xayachack ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa Laos. Nakahanda aniya ang LPRP na magsikap, kasama ng CPC, para ibayo pang palakasin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.