Bilang sugo ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Komunista ng Tsina(CPC), kinatagpo si Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng CPC kahapon, Enero 26, 2016 sa Vientiane, Laos ni Bounnhang Vorachith, bagong nahalal na Pangkalahatang Kalihim ng Laos People's Revolutionary Party(LPRP).
Ipinaabot ni Song kay Bounnhang Vorachith ang pagbati mula sa Pangkalahatang Kalihim ng CPC para sa pagiging Pangkalahatang Kalihim nito ng LPRP. Ipinahayag ni Song na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig, batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, pagpapasulong ng pagtitiwalaang pampulitika, at pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan.
Ipinahayag naman ni Bounnhang Vorachith ang pasasalamat sa lider Tsino. Nakahanda aniya ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang partido at estado.