Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-8 ng Abril 2016, ng White House, magpapatawag sa susunod na linggo si Pangulong Barack Obama ng pulong ng National Security Council, para balik-tanawin ang mga bunga ng paglaban sa Islamic State (IS), at talakayin ang mga bagong estatehiya sa usaping ito.
Ayon pa rin sa pagsisiwalat ng panig militar ng Amerika, posible ring pag-aralan sa naturang pulong ang mga plano ng pagdaragdag ng special forces sa Syria at Iraq, para ibayo pang tulungan ang mga lokal na sandatahang lakas sa paglaban sa IS.
Salin: Liu Kai