Sabado, ika-2 ng Abril 2016, sinabi ng panig militar ng Syria na nang araw ring iyon, inilunsad ng tropang pampamahalaan ang malawakang pagsalakay sa Gallatin, mahalagang lunsod sa gitnang Syria na kontrolado ng Islamic State (IS). Umaasa itong maaagaw ang nasabing lunsod sa lalong madaling panahon.
Ayon sa ulat ng Syrian Arab News Agency, nakuha na ng tropang pampamahalaan ang maraming mahalagang kuta sa paligid ng Gallatin. Upang mapigilan ang pagsalakay ng tropang pampamahalaan, inilagay ng IS ang mga explosive device sa paligid ng lunsod. Sa kasalukuyan, inaalis nan g mga sundalo ang mga bomba.
Noong nagdaang Agosto, sinakop ng IS ang Gallatin. Ang lunsod na ito ay nasa pagitan ng Damascus, Homs at Palmyra, at napakahalagang estratehikong lokasyon.
Salin: Vera