Ipinatalastas nitong Sabado, Abril 9, 2016, ng Rayani Air, unang Shariah-compliant (HALAL) airliner ng Malaysia ang pansamantalang pagtigil ng paglipad ng lahat ng mga flight nito.
Ipinahayag ni Ravi Alagendrran, Tagapagtatag ng Rayani, na dahil sa mga "isyung teknikal" ng kompanya, ginawa nila ang nasabing desisyon. Idinagdag pa niyang ito rin ay bahagi ng re-organisasyon ng kompanya, at kapag natapos ang reorganisasyon, kaagad papanumbalikin ang kanilang operasyon. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga pasahero.
Ayon naman sa media na lokal, may kaugnayan ang suspendidong operasyon sa welga ng mga teknisyan dahil sa naantalang sweldo.
Ang Rayani Air ay itinatag noong Disyembre, 2015. Nagsimula ika-20 ng Disyembre, 2015 ang unang paglipad nito.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio