Sa isang pahayag na ipinalabas sa Kuala Lumpur kahapon, Marso 24, 2016, ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na halos tiyak, ang dalawang pirasong natagpuan sa Mozambique, ay nagmula sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Anang pahayag, pagkaraang siyasatin ng Grupong Tagapag-imbestiga sa Insidente ng MH370, ang naturang dalawang debris ay tugma sa bahagi ng nawawalang eroplano.
Idinagdag pa niya na ipapadala ng kanyang bansa ang isang search group sa Timog Aprika para hanapin ang mas maraming piraso. Sa kasalukuyan'y naghihintay ang panig Malay ng pag-aproba ng Pamahalaang Timog Aprikano, aniya.
Salin: Li Feng