Naganap kagabi, April 13, 2016, sa dakong hilagang kanluran ng Myanmar ang lindol na may lakas na 6.8 sa Richter Scale. Naramdaman ito sa mga karatig na bansa na kinabibilangan ng Tsina, India, at Bangladesh.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naiulat na mga kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.