|
||||||||
|
||
Ipinalabas kamakailan ng National League for Democracy (NLD), namumunong partido ng bagong pamahalaan ng Myanmar ang kaayusan ng liderato ng bansa.
Batay rito, ang mga sumusunod ay ang una hanggang sa ika-sampung puwesto ng kapangyarihan ng bansa: Pangulo, Tagapayong Pang-estado, Unang Pangalawang Pangulo, Ikalawang Pangalawang Pangulo, Ispiker ng Mababang Kapulungan, Ispiker ng Mataas na Kapulungan, Mahistrado na Pederal, Commander in Chief ng National Defense, Mahistrado ng Hukumang Konstitusyonal, at Tagapangulo ng Lupong Pang-eleksyon.
Ayon sa komentaryo ng Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, kahit nahahanay sa ikalawang puwesto si Aung San Suu Kyi bilang tagapayo ng bansa, siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa pangangasiwa sa NLD at sa bansa.
Batay sa State Counselor Bill ng Myanmar, layon ng pagtatalaga ng pambansang tagapayo ang pagsasakatuparan ng mga target sa kapayapaan ng bansa, pagpapaunlad ng sistema ng market economy at sistemang pederal, masaganang pag-unlad at iba pa. Batay rin dito, may kapangyarihan ang pambansang tagapayo sa pakikipag-ugnayan sa mga ministri ng pamahalaan, organisasyon, samahan at indibiduwal para sa pagpapatupad sa mga mungkahing may kinalaman sa kaunlaran ng bansa at mga mamamayan. Ang termino nito ay kapareho ng pangulo.
Si Suu Kyi ay naitalaga rin bilang Ministrong Panlabas at Ministro ng Tanggapang Pampanguluhan ng Myanmar.
Chairperson ng National League for Democracy (NLD) Aung San Suu Kyi (L, Front) at Win Myint, Ispiker ng House of Representatives (Mababang Kapulungan) sa pag-uusap makaraang lumahok sa sesyon ng Union Parliament sa Nay Pyi Taw, Myanmar, March 22. (Xinhua/U Aung)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |