Kamakailan, nakapasa sa pagsusuri ng Tianjin Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ang isang pangkat ng bigas na pinoprodyus sa Myanmar, at matagumpay itong nakapasok sa puwerto ng Tianjin. Ipapadala ito sa Beijing, Tianjin, at iba pang lugar ng Tsina para ibenta. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapasok sa puwerto ng Tianjin ang bigas ng Myanmar.
Limang daang (500) tonelada ang kabuuang timbang ng nasabing pangkat ng bigas, at ito'y nagkakahalaga ng 170 libong dolyares.
Sa kasalukuyan, maaari nang tikman ng mga mamimiling Tsino ang bigas mula sa iba't ibang sulok ng mundo na gaya ng Thailand, Uruguay, Pakistan, Biyetnam, Hapon, Kambodya, India at Myanmar.
Salin: Vera