Idinaos nitong Miyerkules, April 13, 2016, sa Padang ng Indonesia, ang ika-15 taunang pulong ng Western Pacific Naval Symposium (WPNS).
Kalahok sa pulong na ito ang mga opisyal ng tropang pandagat ng 21 kasaping bansa ng WPNS na kinabibilangan ng Tsina at Pilipinas, 4 na bansang tagamasid at 2 bansang nag-aplay para maging bansang tagamasid.
Ang naturang pulong ay tumagal nang dalawang araw, at ang paksa nito ay "Pagpapasulong ng Partnership na Pandagat at Pangangalaga sa Katatagan sa Rehiyon ng Dakong Kanluran ng Pasipiko."
Sinabi ni Yuan Yubo, Kinatawang Tsino at Commander ng Beihai Fleet, na nakahanda ang tropang pandagat ng Tsina na aktibong lumahok sa mga aktibidad at suliranin ng WPNS batay sa prinsipyong bukas, kooperatibo at pragmatiko.
Ang WPNS ay itinatag noong 1987 at ito rin ay tanging mekanismo ng multilateral na diyalogo sa pagitan ng mga tropang pandagat sa rehiyon ng dakong kanluran ng Pasipiko.