Isiniwalat kahapon ng China Railway Corporation (CRC) na alas-9 Huwebes ng umaga, ika-24 ng Marso 2016, local time, sinimulang itatag ang 5-kilometrong leading section ng high speed railway sa pagitan ng Jakarta at Bandung. Ito'y magkasamang itatatag ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Indonesia. Naglakbay-suri sa construction site si Rini Soemarno, Ministro ng mga Bahay-Kalakal na Ari ng Estado ng Indonesia.
Ang pagsisimula ng konstruksyon ng nasabing leading section ay isa pang mahalagang progreso sa proyekto ng Jakarta-Bandung High Speed Railway, matapos itong simulant noong ika-21 ng Enero, 2016.
Ang daambakal sa pagitan ng Jakarta at Bandung ang unang high speed railway ng Indonesia, at ang kooperasyong ito ay sa pamamagitan ng modelo ng Business-to-Business (B2B). Noong nagdaang Oktubre, nilagdaan sa Jakarta ng grupo ng mga bahay-kalakal na Tsino na pinamumunuan ng China Railway Corporation at 4 na bahay-kalakal na ari ng estado ng Indonesia ang Joint Venture Agreement, para mamahala sa konstruksyon at pagpapatakbo ng nasabing proyekto.
Isandaan at limampung (150) kilometro ang kabuuang haba ng nasabing daambakal. Maaari itong tumakbo sa bilis na 300 kilometro bawat oras. Kapag nailatag, 40 minuto lamang ang biyahe sa pagitan ng Jakarta at Bandung; sa kasalukuyan, mahigit tatlong oras ang biyahe.
Salin: Vera