Huwebes, ika-14 ng Abril 2016, mahigit 9.5 toneladang nabawing pangil ng elepante ang hayagang sinira ng pamahalaan ng Malaysia, sa kauna-unahang pagkakataon.
Ipinahayag ng Ministro ng Likas na Yaman at Kapaligiran ng Malaysia na ang aksyong ito ay naglalayong ipakita ang determinasyon ng pamahalaang Malay sa pakikipagtulungan sa ibang bansa upang bigyang-dagok ang ilegal na pangangaso ng mga mailap na hayop at pagpupuslit ng mga produktong yari sa mga mailap na hayop.
Aniya, dahil sa bentahe ng lokasyong heograpikal at logistics facilities, ang Malaysia ay nagsisilbing minimithing transit hub ng pagpupuslit ng mga nasabing produkto. Nabawi ng departamento ng pagpapatupad ng batas ng Malaysia ang maraming pangil ng elepante at iba pang uri ng produktong yari sa mga mailap na hayop, sa proseso ng pakikipagtulungan sa ibang bansa.
Salin: Vera