Idinaos kamakailan sa Beijing ang pambansang pulong hinggil sa mga gawain ng reporma sa sistemang pangkabuhayan. Itinakda sa pulong ang mga pangunahing gawain sa taong ito.
Ayon sa pulong, ang repormang pang-estruktura ay nananatiling pokus sa taong ito. Habang ipapatupad ang mga itinakdang plano ng reporma, kailangan ding ipalabas ang mga bagong hakbangin, para lutasin ang mga problema sa takbo ng kabuhayan at lipunan.
Ang mga pangunahing gawaing itinakda sa pulong ay kinabibilangan ng pagpapalalim ng reporma sa mga bahay-kalakal, patuloy na pagpapasimple ng administratibong prosidyur, pagpapasulong ng reporma sa investment at financing system, patuloy na pagsasagawa ng reporma sa pricing system, pagpapabuti ng bagong urbanisasyon, ibayo pang pagbubukas ng kabuhayan, pagpapabuti ng mga mekanismo ng inobasyon, at pagpapasulong sa reporma sa sistema ng sibilisasyong ekolohikal.
Salin: Liu Kai