|
||||||||
|
||
Hinikayat ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga local government na pasulungin ang repormang pansuplay (supply-side structural reform) para mapatatag ang kaunlarang pangkabuhayan.
Sa kanyang pakikipagtalakayan sa mga gobernador ng ilang probinsya nitong Lunes, Abril 11, 2016, hiniling ni Premyer Li sa mga pamahalaang lokal na patuloy na bawasan ang red tape at buwis, hikayatin ang inobasyon at itakwil ang mga astrasadong production capacity. Ang mga ito ay kailangan aniya para mapalago ang kabuhayan at mapabuti ang pamumuhay ang mga mamamayan.
Ipinagdiinan din ni Li na upang matugunan ang mga hamong pangkabuhayan, kailangan ang magkasamang pagsisikap ng pamahalaang sentral at mga pamahalaang lokal.
Ipinangako ng mga kalahok na gobernador na ibayo pang pasulungin ang reporma para mapabuti ang paglilingkod sa mga mamamayan.
Kalahok sa nasabing symposium ang mga gobernador mula sa Hebei, Liaoning, Jiangsu, Shandong, Hunan, Guangdong at Qinghai provinces, at ang alkalde mula sa Chongqing Municipality.
Si Premyer Li Keqiang (gitna) sa pangungulo sa symposium kasama ang mga gobernador ng pamahalaang lokal, April 11, 2016. (Xinhua/Zhang Duo)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |