Ipinasiya ngayong araw, Marso 22, 2016, ng Gabinete ng Hapon na mula ika-29 ng kasalukuyang buwan, pormal na magkakabisa ang bagong Security Bill ng bansa. Sa panahong iyon, magiging posible ang pagsasagawa ng karapatan ng Collective Self-Defense na ipinagbabawal ng mga dating Pamahalaang Hapones. Bunga nito'y puwedeng umaksyon ang Japanese Self-Defense Forces sa buong mundo, at lalawak din ang nilalaman ng mga ganitong aksyon.
Kabilang sa naturang Security Bill ay ang isang bagong lehislasyon at sampung amendment law. Ang bagong lehislasyon ay "Batas ng Pagsuporta sa Kapayapaang Pandaigdig." Ayon dito, puwedeng ipadala ng Hapon, batay sa pangangailangan, ang tropa sa ibang bansa at ipagkaloob ang suporta sa mga dayuhang tropa sa anumang sandali. Ang nilalaman ng iba pang sampung amendment law naman ay may kinalaman sa, pangunahin na, pagsasagawa ng karapatan ng Collective Self-Defense, pagpapalawak ng tungkulin at saklaw ng mga aksyong militar ng Self-Defense Forces ng bansang ito sa ibang bansa.
Salin: Li Feng