Bumisita nitong Biyetnes, Abril 15, 2016, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa Tsinghua University at Peking University para alamin ang kalagayan ng reporma sa higher education at pagpapasulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon.
Sa Tsinghua University, sinabi ni Li na dapat pahigpitin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga kolehiyo at institusyon para mas mabisang gamitin ang mga yaman at talento, at pataasin ang kalidad at episyensiya sa inobasyon.
Sa Peking University, sinabi ni Li na sa pagharap sa aktuwal na pangangailangan sa kabuhayan at lipunan, dapat iugnay ang inobasyon sa teorya at kailangan itong maging pragmatiko para pasulungin ang mabilis na pag-unlad ng mga bagong sibol na industriya at dagdagan ng hanap-buhay.
Bukod dito, umaasa aniya siyang pahahalagahan ang pananaliksik sa mga saligang siyansiya para palakasin ang pundasyon ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina.