Linggo, ika-17 ng Abril 2016, ayon sa Ministri ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Kambodya, ang hakbangin ng Tsina sa pagsuplay ng tubig sa lower reaches ng Mekong River, na nasalanta ng malubhang tagtuyot ay nagpapakita ng mainam na relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Mekong River.
Alang-alang sa pangangailangan ng mga bansa sa lower reaches ng Mekong River sa paglaban sa tagtuyot, ipinasiya ng panig Tsino na mula noong ika-11 ng Abril, patuloy na pangkagipitang inihahatid ng Jinghong Hydropower Station ng Lalawigang Yunnan ng Tsina ang tubig sa lower reaches ng nasabing ilog, hanggang matapos ang tagtuyot.
Kaugnay nito, sinabi ng naturang pahayag na winewelkam ng Kambodya ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino. Anito, ang nasabing aksyon ay may napakahalagang papel sa pagpapahupa ng tagtuyot ng mga bansa sa lower reaches ng Mekong River na kinabibilangan ng Kambodya. Ito'y muling nagpapakita ng mainam na relasyon ng Tsina at iba't ibang bansa sa kahabaan ng Mekong River sa aspekto ng pangangasiwa sa yamang-tubig, ayon pa sa Kambodya.
Pagpasok ng katapusan ng 2015, sanhi ng epekto ng El Nino, nasalanta ng tagtuyot, sa magkakaibang digri ang iba't ibang bansa sa rehiyon ng Lancang-Mekong River: bagay na nagsasapanganib sa produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyong ito. Mula noong ika-15 ng Marso hanggang ika-10 ng Abril, isinagawa ng Tsina ang pangkagipitang paghahatid ng tubig sa lower reaches ng ilog na ito, upang mapahupa ang tagtuyot.
Salin: Vera