|
||||||||
|
||
Linggo ng gabi, ika-17 ng Abril 2016, ipinatalastas ni Pangulong Rafael Correa Delgado ng Ecuador na tumaas na sa 272 katao ang bilang ng mga nasawi sa lindol na may lakas sa 7.8 Richter Scale sa baybaying dagat ng dakong hilagang-silangan ng bansa. Sa kasalukuyan, sumusulong na ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.
Nang araw ring iyon, dumating na sa nilindol na purok sina Pangulong Correa at Pangalawang Pangulong Jorge Glas ng bansa, para patnubayan ang rescue operation.
Ipinahayag ni Correa na posibleng patuloy na tumaas ang bilang ng mga nasawi. Nanawagan naman si Glas sa mga mamamayan ng buong bansa na magbuklod sa nasabing "napakahirap na panahon." Aniya, nahaharap sa matinding hamon ang relief works, at naghahanap ang rescue team ng paraan para pumasok sa rehiyong pinakamalubhang nasalanta.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinadala na ng pamahalaan ang 10 libong sundalo, at 4600 pulis at bombero sa ilang lalawigan sa baybaying dagat na pinakamalubhang naapektuhan. Mga relief supplies ang inihahatid sa mga nilindol na purok, at ang mga mobile hospital ay itinatag na rin. Aktibong sumasali sa rescue operation ang mga kompanyang may puhunang Tsino sa lokalidad.
Ayon sa kautusan ng pangulo, pumasok sa 2-buwang state of emergency ang Ecuador.
Sinabi naman ng Embahada ng Tsina sa Ecuador na hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na kasuwalti mula sa mga overseas at ethnic Chinese, at mga tauhan ng mga bahay-kalakal na may puhunang Tsino.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |