Idinaos kahapon, Lunes, ika-18 ng Abril 2016, sa Singapore ang promosyon para sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng lalawigang Fujian ng Tsina at Singapore. Kalahok sa aktibidad na ito ang mga opisyal mula sa mga pamahalaan ng Tsina at Singapore, at mga kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng Singapore.
Sa loob ng balangkas ng "21st Century Maritime Silk Road," tinalakay ng dalawang panig kung paano palalakasin ang kooperasyon sa pangangasiwa sa daungan, pagtatayo ng logistics park, pagpapaunlad ng malayang kalakalan, at iba pa.
Salin: Liu Kai