"Umaasa ang Tsina na isasagawa ng Amerika ang aktuwal na aksyon para pangalagaan ang katatagan ng South China Sea." Ito ang ipinahayag nitong Martes, Abril 19, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pagdududa kamakailan ng Kagawarang Pandepensa ng Amerika hinggil sa paghahatid ng eroplanong militar ng Tsina sa 3 nasugatang manggagawang Tsino mula Yongshu Reef tungo sa Sanya. Sinabi ni Hua na mahirap matanggap ng Tsina ang nasabing pahayag mula sa panig Amerikano. Aniya, alam na alam ng komunidad ng daigdig na ang pagbibigay ng makataong tulong ng panig militar sa anumang sakuna at kapahamakan ay angkop sa regulasyong pandaigdig. Kaya, ang katulad na pangyayari sa teritoryo ng Tsina ay hindi lamang tungkulin ng eroplanong Tsino, kundi mithiin din ng mga mamamayang Tsino, dagdag pa niya.