Ipinahayag kamakailan ni Yusuke Yokobate, miyembro ng Gabineteng Hapones sa Budget Committee ng Diyeta ng Hapon na ang pagkakaroon at paggamit ng mga sandatang nuklear ay hindi labag sa konstitusyon ng bansa. Samantala, itinanggi naman ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ang posibilidad ng pagkakaroon at pag-gamit ng Hapon ng sandatang nucleyar.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Marso 22, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang signataryong bansa ng "Tratado ng Di-Pagpapalaganap ng mga Sandatahang Nuklear," nagiging maliwanag ang obligasyon ng Hapon sa usaping ito. Pero, walang tigil aniyang nagpapatuloy ang pananalita sa loob ng Hapon sa pagdedebelop ng sandatang nuklear, at ikinababalisa ito ng komunidad ng daigdig. Aniya, humihiling ang Tsina sa Hapon na ipaliwanag ang paninindigan nito sa usaping ito.