Kahapon ng Hapon, Marso 21, 2016, muling naglunsad ng missile ang Hilagang Korea, sa karagatang malapit sa silangang baybaying dagat ng Peninsula ng Korea. Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang hindi magsasagawa ang Hilagang Korea ng aksyong labag sa resolusyon ng UN Security Council.
Sinabi ni Hua na umaasa ang Tsina na magtitimpi ang mga may-kinalamang panig para maiwasan ang anumang aksyong makakasama sa katatagang panrehiyon.