Ayon sa media ng Pilipinas, naitaboy ng Tsina, noong unang dako ng Marso, 2016 ang mga barkong pangisda ng Pilipinas, sa karagatang malapit sa Huangyan Island. Samantala, ipinahayag din kamakailan ng panig militar ng Amerika na nakikita nito ang mga barkong Tsino sa nasabing karagatan.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Marso 22, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Island ay isang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Aniya, walang duda at makatwiran ang pagpigil ng Tsina sa naturang ilegal na pangingisda dito. Ito aniya'y para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa at patibayin ang seguridad at kaayusan sa rehiyong ito.