|
||||||||
|
||
Ayon sa impormasyon ng departamentong meteorolohikal ng Hapon, noong gabi ng Miyerkules, ika-20 ng Abril 2016, niyanig ng lindol na may lakas na 5.6 sa Richter Scale ang rehiyong pandagat sa paligid ng Fukushima. Wala namang ibinungang tsunami ang nasabing lindol.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kasuwalti.
Nauna rito, sinabi ng U.S. Geological Survey na may lakas na 6.1 sa Richter Scale ang nasabing lindol.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |