Ayon sa media ng Myanmar noong Miyerkules, ika-20 ng Abril 2016, matapos maganap ang epidemiya ng H9N2 bird flu sa Monywa, Lalawigang Sagaing ng Myanmar, 230 libong manok mula sa 47 sakahan ang pinuksa, upang mapigilan ang pagkalat ng epidemiya.
Isinagawa na rin ng pamahalaan ang hakbangin upang makontrol ang epidemiya sa iba pang 168 sakahan. Sa kasalukuyan, ipinagbabawal nang pasukin ang mga rehiyon ng pag-aalaga ng poltri.
Noong ika-16 ng buwang ito, ipinaalam ng Ministri ng Kalusugan ng Myanmar na naganap ang epidemiya ng bird flu sa rehiyong hayupan sa Monywa.
Salin: Vera