|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling "World Economic Outlook" ng International Monetary Fund (IMF), 8.6% ang ekspektasyon ng paglago ng kabuhayan ng Myanmar sa taong 2016, at nangunguna ito sa halos 200 ekonomiya na inilakip sa nasabing ulat.
Ayon sa mga tagapag-analisa, inaasahan ang pangunguna ng paglago ng kabuhayan ng Myanmar sa buong mundo.
Sa isang banda, masagana ang yaman ng Myanmar, at malaki ang espasyo at nakatagong lakas ng paglaki ng kabuhayan.
Sa kasalukuyan, ang Myanmar ay nananatili pa ring isa sa mga "pinakadi-maunlad na bansa," ayon sa United Nations (UN). Noong 2015, di-kukulangin sa 1300 dolyares ang Real GDP per capita. Pero maganda ang natural na kondisyon ng Myanmar, at napakalaki ng nakatagong lakas ng pag-unlad. Humigit-kumulang 40% ang forest coverage rate ng bansang ito, at sagana sa mamahaling bato, patubig, langis at natural gas.
Nitong nakalipas na limang taon, naisakatuparan ng pamahalaan ni Thein Sein ang mahigit 7% karaniwang taunang paglaki ng kabuhayan. Ayon pa rin sa mga tagapag-analisa, hindi mahirap kung isasakatuparan ang mas mataas na target ng paglaki.
Sa kabilang banda naman, pagkaraang umakyat sa poder ang bagong pamahalaan, matindi ang hangarin nito sa kooperasyong panlabas, at optimistiko ang komunidad ng daigdig sa prospek ng pag-unlad ng Myanmar. May pag-asa itong maka-akit ng mas maraming pamumuhunang dayuhan.
Nakipag-ugnayan na ang National League for Democracy (NLD) ng Myanmar sa mga pamahalaan ng maraming bansa, para matamo ang saklolong pandaigdig, mapatnubayan ang pamumuhunan ng mga pribadong bahay-kalakal, at marating ang minimithing target ng pag-unlad ng kabuhayan.
Kahit optimistiko ang prospek ng pag-unlad ng Myanmar, tinukoy ng ilang dalubhasa na kung nais ng Myanmar na maisakatuparan ang de-kalidad at mabilis na paglaki, dapat pagmatyagan at panaigan ang ilang problema sa takbo ng kabuhayan at estruktura. Una, medyo grabe ang property bubble, at kasintaas ng ilang maunlad na bansa ang presyo ng bahay sa ilang malalaking lunsod na gaya ng Yangon. At ika-2, medyo atrasado ang industriya ng Myanmar, at ang mga pangunahing iniluluwas na produkto ay mga primary product na gaya ng natural gas at produktong agrikultural. Kapos ang bansa sa pagluluwas ng mga processed product na may mataas na added value, kaya matagal nang nangingibabaw ang trade deficit.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |