|
||||||||
|
||
Nanguna sa Opening Ceremony si Sun Guoxiang, Espesyal na Sugo sa mga Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Nagtanghal ang iba't ibang cultural groups mula sa Xiamen at mga bansang ASEAN.
Ibinida ng Indonesia ang mga katutubong sayaw na Mitreka Bawana at Kembang Pegon.
Sinundan ito ng isang nakaiindayog na musika mula sa Vietnam na pinamagatang Ribbons of Love.
Gamit ang mga katutubong instrumento, ipinakita ng tropang Thai ang folk dance na Phutai Kalasin.
Nakaaaliw naman ang footwork ng Myanmar folk dance na Governor Pakhan in Merry Making.
Ipinarinig naman ng vocal duo na The Nightingales na binubuo nina Bianca Lopez at Aizzel Livioco kasama ang violinist na si John Christopher Joya ang mga folk songs mula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas.
Kapuna-puna ang pagkakatulad sa kultura ng mga Igorot dahil nakabahag din ang mga mananayaw mula sa Cambodia. Ang sayaw na Dance Good Crops ay katulad ng mga harvest dance ng Cordillera.
Mula sa panig Fujian nakatutuwa ang pagpapakita ng munting mga puppets. At kinagiliwan din ng mga manonood ang Egrets and Bougainvillas na itinanghal ng Xiamen Little Egrets Folk Dance Troupe na itinanghal sa simula ng programa.
Bilang pagtatapos, ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng Tsina at ASEAN ay malikhaing naipakita sa pamamagitan sa sabayang pagbigas ng Jari Saman.
Dumalo sa Opening Ceremony ang mga diplomata ng ASEAN at matataas na opisyal ng lunsod ng Xiamen.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |