|
||||||||
|
||
Philippine Consul General sa Xiamen Julius Flores (kaliwa) at Pei Jinjia, Mayor ng Xiamen Municipal Government (sa kanan)
Sa Xiamen, lalawigang Fujian ng Tsina, kinatagpo Biyernes, Ika 22 ng Abril, 2016, ni Pei Jinjia, Mayor ng Xiamen Municipal Government ang mga diplomata mula sa mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay ng Ika-5 Nanyang Culture Festival na kasalukuyang ginaganap sa lunsod.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Pei ang bunga ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at turismo.
Ikinalulugod ng punong-lunsod ang masiglang kalakalan sa pagitan ng Xiamen at ASEAN. Aniya, noong 2015, ang trade volume ay umabot sa mahigit US$12 Billion. Sapul noong 1983 hanggang Marso, 2016, 900 proyekto na nagkakahalaga ng US$ 1.6 Billion ang inilagak ng ASEAN sa Xiamen. Samantalang may mahigit 60 proyekto naman na nagkakahalaga ng US$ 900 Million ang ipinuhunan ng Xiamen sa sampung bansa ng ASEAN.
Philipine Consul General sa Xiamen Julius Flores (Ika-3 sa kaliwa), Pei Jinjia, Mayor ng Xiamen Municipal Government (sa gitna), kasama ng mga diplomatang Tsino at ASEAN
Mahalagang gateway ani Pei ang Xiamen sa pagpapatupad ng 21st Century Maritime Silk Road. At upang mapadali ang pagpasok ng mga dayuhang mangangalakal maraming reporma ang ipinatupad ng pamahalaan ng Xiamen.
Ipinahayag din ni Pei na dahil sa pagtaas ng kabuhayan ng mga Tsino umabot sa 120 milyon ang mga Tsinong naglakbay sa ibang bansa para magbakasyon noong 2015.
Aniya pa ang Nanyang Culture Festival ay isang plataporma para sa patuloy na paglago ng kalakalan, kabuhayan at turismo sa pagitan ng dalawang panig.
Bilang kinatawan ng diplomatang ASEAN, na kabilang sa organizers ng Ika-5 Nanyang Culture Festival, ibinahagi ni Consul General Julius Flores ng Consulate General ng Pilipinas sa Xiamen ang iba't ibang elemento ng pestibal na ang layunin ay pagtibayin ang relasyon ng Xiamen at ASEAN sa larangan ng ekonomiya, kultura at turismo.
Venue ng pagtatagpo
Ito ang ikalawang pagkakataon na naging bahagi si ConGen Flores ng Organizing Committee ng bi-annual na pestibal.
Ani pa ni ConGen Flores, sa taong ito bagong elemento ang Business Matching Workshop, at ang Nanyang Movie Show ay ilulunsad din sa unang pagkakataon.
Bukod dito, mayroon din aniyang Trade Fair, Nanyang Forum sa 21st Century Maritime Silk Road at ASEAN Integration, Nanyang Food Festival, Tourism Carnival at iba pa.
Ang Nanyang Culture Festival na nagsimula bilang Nanyang Food and Culture Festival noong 2008 ay idinaraos kada dalawang taon. Sa taong ito, ito ay isa sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-25 Anibersaryo ng China-ASEAN Dialogue Relations.
Ulat: Mac/Jade
Photographer:Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |