Sa preskong idinaos kahapon, Biyernes, ika-22 ng Abril 2016, sa Phnom Penh, Kambodya, ipinahayag ni dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang pagbibigay-presyur sa Tsina sa arbitrasyon hinggil sa hidwaang pandagat ay pulitikal na pagmamalaki o legal na pagkiling.
Tinukoy ni Wang na may sapat na batayang legal para sa hindi paglahok at hindi pagtanggap ng Tsina sa South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng Pilipinas. Ito aniya ay batay sa United Nations Charter, UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Dagdag ni Wang, ang kahilingan ng Pilipinas ay may kinalaman sa soberanya sa teritoryo at lehitimong karapatang pandagat ng Tsina. Ito aniya ay hindi dapat isama sa isang kompulsaryong arbitrasyon, at tinatanggihan ito ng Tsina batay sa lehitimong karapatan.
Sinabi rin ni Wang na ang unilateral na pagharap ng Pilipinas ng arbitrasyon ay lumalabag sa pandaigdig na norma na ang arbitrasyon ay dapat iharap batay sa pagsang-ayon ng mga may kinalamang bansa. Ito rin aniya ay lumalabag sa pangako ng Pilipinas sa mga bilateral na dokumento nila ng Tsina, at sa mga regulasyon ng DOC.
Salin: Liu Kai