Sinabi kahapon, Lunes, ika-21 ng Marso 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng Pilipinas at Amerika ay hindi dapat nakatuon sa ikatlong panig, at hindi rin dapat makapinsala sa soberanya at interes ng ibang bansa, o makaapekto sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan.
Winika ito ni Hua, bilang tugon sa pagkakaroon ng komong palagay ng Pilipinas at Amerika hinggil sa pagbubukas ng limang base militar ng Pilipinas sa mga tropang Amerikano. Isa sa mga ito ay malapit sa South China Sea.
Dagdag pa ni Hua, ang militarisasyon ng South China Sea ay isang paksang laging binabanggit ng Amerika. Aniya, kailangang linawin ng panig Amerikano kung ang naturang aksyon ay militarisasyon o hindi.
Salin: Liu Kai