Kinatagpo kahapon, Biyernes, ika-22 ng Abril 2016, sa Phnom Penh, Kambodya, si dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa pagpapasulong ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Kambodya. Kapwa ipinahayag nila ang kahandaang panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas ng dalawang bansa, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Liu Kai