Beijing, Huwebes, ika-7 ng Abril 2016—Nakipagtagpo dito si Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, kay Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Kambodya na kalahok sa diyalogo ng mga departamentong panseguridad ng Tsina at Timog-silangang Asya hinggil sa paglaban sa terorismo.
Ani Guo, nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa panig Kambodyano sa mga larangang gaya ng telecommunications fraud, human trafficking, at cyber crimes.
Sinabi naman ni Sar Kheng, na pahihigpitin ng kanyang bansa ang kooperasyon sa Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, at palalalimin ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera