Halos 60 milyong mamamayan ng 5 bansa sa kahabaan ng Mekong River na kinabibilangan ng Myanmar, Laos, Thailand Kambodya at Biyetnam ang nakikinabang sa tuluy-tuloy na pagsuplay ng tubig ng Tsina sa lower reaches ng nasabing ilog. Ito ang sinabi ni Chan Yutha, Tagapagsalita ng Ministry of Water Resources and Meteorology ng Kambodya noong Lunes, ika-18 ng Abril 2016.
Ayon sa pahayagang "Khmer Times," sinabi ni Yutha na ang pagsuplay ng tubig ng Tsina ay nakakatulong sa pagbabawas ng epekto ng tagtuyot sa mga magsasaka sa ilang lalawigan sa kahabaan ng lower reaches ng Mekong River, na kinabibilangan ng Kambodya.
Noong ika-17 ng Abril, sinabi ng Ministri ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Kambodya na ang hakbangin ng Tsina sa pagsuplay ng tubig sa lower reaches ng Mekong River, na nasalanta ng malubhang tagtuyot ay nagpapakita ng mainam na relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Mekong River.
Pagpasok ng katapusan ng 2015, sanhi ng epekto ng El Nino, nasalanta ng tagtuyot, sa magkakaibang digri ang iba't ibang bansa sa rehiyon ng Lancang-Mekong River: bagay na nagsasapanganib sa produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyong ito. Mula noong ika-15 ng Marso hanggang ika-10 ng Abril, isinagawa ng Tsina ang pangkagipitang paghahatid ng tubig sa lower reaches ng ilog na ito, upang mapahupa ang tagtuyot.
Salin: Vera