Kuala Lumpur, Malaysia--Si Muhammad Ibrahim, kasalukuyang pangalawang gobernador ng Bangko Sentral ng Malaysia ay hinirang bilang bagong gobernador ng bangko. Papalitan niya si Zeti Akhtar Aziz na magreretiro.
Ito ang ipinatalastas ni Prime Minister Najib Razak nitong Miyerkules, Abril 27, 2016.
Ang 5-taong termino ng bagong gobernador ay magkakabisa unang araw ng Mayo. Si Ibrahim, na nag-graduate sa University of Malaya at nakuha ang master's degree sa Harvard University ay nagsimulang manungkulan bilang pangalawang gobernador ng Bangko Sentral ng Malaysia noong 2010.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac