Kaugnay ng sinabi ng ilang mambabatas ng Amerika na ang "freedom of navigation" operations ng tropang Amerikano sa South China Sea ay dapat maging isang regular na aksyon, sinabi nitong Huwebes, Abril 28, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa isang American Magazine, National Interest, na walang batayan ang pagkabahala ng Amerika sa mga paninindigan at kahilingan ng Tsina sa South China Sea.
Ayon sa nauturang magasin, ang mga aksyon ng Tsina sa South China Sea ay hindi nakakapinsala sa pambansang katiwasayan ng Amerika.
Anang National Interest, ang gastusin sa operasyon ng USS John C. Stennis Carrier Strike Group bawat araw ay umaabot sa 6.5 milyong Dolyares, pero ang national debt ng Amerika ay lampas sa 19 trilyong Dolyares.
Ayon sa naturang magasin, ang umano'y "freedom of navigation" operations ay nakakapinsala sa kapakanan ng mga taxpayer ng Amerika.
Inulit ni Hua na palagiang iginagalang at kinakatigan ng panig Tsino ang kalayaan sa paglalayag na angkop sa pandaigdigang batas at matatag na tinututulan ang anumang pagkukunwari upang protektahan ang malayang paglalayag para makapinsala sa soberanya at kapakanang panseguridad ng Tsina.