Nag-usap nitong Biyernes, April 29, 2016, sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya.
Sa kanilang pag-usap, narating ng dalawang panig ang mahalagang nagkakaisang posisyon sa isyu ng South China Sea (SCS).
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat mapayapang lutasin ang mga hidwaan hinggil sa isyung ito sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian ng mga kasangkot na bansa, sa pundasyon ng katotohanang historikal at pandaigdigang batas.
Bukod dito, ipinalalagay ng Tsina at Rusya na dapat patingkarin ng komunidad ng daigdig, lalo na ng mga bansang sa labas ng rehiyong SCS, ang konstruktibong papel sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito, sa halip ng panggugulo sa kalagayan nito.