Ayon sa pinakahuling pagtaya na ipinalabas kamakailan ng Pambansang Tanggapan sa Pagpapasulong ng Kabuhayan at Pagpapaunlad ng Lipunan ng Thailand, sa taong ito, aabot sa 32.5 milyon ang bilang ng mga dayuhang turista sa Thailand, at kita ng turismo ay aabot sa 1.5 trilyong Thai Baht o halos 43 bilyong Dolyares.
Mas optimistiko ang pagtaya ng Samahan ng Turismo ng Thailand. Tinataya nitong aabot sa 34 na milyon ang bilang ng mga dayuhang turista sa Thailand sa taong ito, at lalaki ng mahigit 13% ang bilang na ito kumpara sa taong 2015.
Noong 2015, 29.9 milyong dayuhang turista ang naglakbay sa Thailand, at ang kita ng turismo ay 1.44 trilyong Thai Baht. Ang kapwa bilang na ito ay record high nitong 10 taong nakalipas. Ang Tsina, Malaysia, Hapon, Timog Korea, at Laos ay limang pinakamalaking pinagmumulan ng mga turista sa Thailand.
Salin: Liu Kai