Ayon sa estadistika na inilabas noong Huwebes, ika-10 ng Marso 2016, ng Department of Tourism, noong Enero ng taong ito, tinanggap ng Pilipinas ang 48,708 person-time na turistang Tsino. Ito ay lumaki ng 130.15% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang proporsyon ng mga turistang Tsino sa kabuuang bilang ng mga turitang dayuhan na tinanggap ng Pilipinas noong Enero ay 8.98%.
Screen shot ng websit ng Department of Tourism ng Pilipinas
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking pinanggagalingan ng turistang dayuhan ng Pilipinas, kasunod ng Timog Korea at Amerika.
Noong taong 2015, mahigit 490 libong person-time na Tsino ang naglakbay sa Pilipinas. Ito ay lumaki ng 24.28% kumpara noong taong 2014, at ang bahagdang ito ang pinakamataas na paglaki kumpara sa ibang mga bansa.
Salin: Vera