|
||||||||
|
||
Sina Wang Yi at Bounnhang Vorachith
Sina Wang Yi at Thongloun Sisoulith
Magkahiwalay na kinatagpo kahapon, Sabado, ika-23 ng Abril 2016, sa Vientiane, Laos, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, nina Pangulong Bounnhang Vorachith at Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos.
Ipinahayag ng mga lider na Lao ang pasasalamat sa panig Tsino sa pagbibigay-tulong sa Laos para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Nakahanda anila ang Laos, kasama ng Tsina, na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Wang Yi ang kahandaang pag-ugnayan ang mga estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Laos, at pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya ang Tsina, na sa termino ng Laos bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, magsisikap ang dalawang bansa para ibayo pang paunlarin ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |