Nagpadala ng mga mensahe sa isa't isa, kahapon, Lunes, ika-25 ng Abril 2016, ang mga lider ng Tsina at Laos, bilang pagdiriwang sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa mga mensahe, binigyan ng mga lider ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Laos. Ipinahayag nila ang kahandaang palakasin ang mapagkaibigang pagpapalagayan, palakawin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at isakatuparan ang komong pag-unlad. Ito anila ay para ibayo pang pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai