Ipinagkaloob ng Tsina sa Laos ang mga tulong na materyal para sa ASEAN Summit na idaraos sa darating na Setyembre sa bansang ito. Ang seremonya ng pagbibigay ng mga materyal na ito ay idinaos kahapon, Biyernes, ika-8 ng Abril 2016, sa Vientiane, kabisera ng Laos.
Ang naturang mga tulong na materyal ay kinabibilangan ng mga sasakyan, mga kagamitan ng inspeksyong panseguridad, at mga kasangkapang pang-opisina. Ipinagkaloob ang mga ito batay sa pangangailangang iniharap ng pamahalaan ng Laos. Isinagawa rin ng panig Tsino ang pagsasanay ng mga tauhang Lao para sa paggamit ng naturang mga materyal.
Salin: Liu Kai