Dumating nitong Lunes, Mayo 2, 2016 sa Cam Ranh, daungan sa lalawigang Khanh Hoa, Biyetnam ang isa sa mga pangunahing barkong panagupa ng hukbong pandagat ng Pransya, ang Lightning Warship, para sa 5 araw na pagbisita rito.
Sa pananatili sa Biyetnam, magbibigay-galang ang mga bisita sa pamahalaan at organong militar sa lokalidad, at nakatakdang idaos, kasama ng Vietnamese counterpart, ang magkasanib na pagsasanay ng pagliligtas sa karagatan.
Noong 2013, bumisita ang nasabing barko sa Ho Chi Minh City para ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Pransya at Biyetnam.