Idinaos sa Hanoi, Biyetnam nitong Lunes, Abril 11, 2016 ang sesyong plenaryo ng Ika-11 Komperensiya ng Ika-13 Parliamento ng Biyetnam. Sinuri at pinagtibay sa sesyon ang listahan ng mga pangalawang tagapangulo at miyembro ng Pambansang Lupong Panghalalan ng Biyetnam, na isinumite ni Nguyen Thi Kim Ngan, Tagapangulo ng Parliamento at Puno ng nasabing lupon. Pinagtibay din sa sesyon ang listahan ng pangalawang tagapangulo at miyembro ng Lupon ng Seguridad na Pandepensa ng Biyetnam, na isinumite ni Tran Dai Quang, Pangulo ng Biyetnam at Puno ng nasabing lupon.
Sina Pangalawang Punong Ministro Truong Hoa Binh at Pangalawang Pangulo Dang Thi Ngoc Thinh ng Estado ng Biyetnam ang magiging mga Pangalawang Tagapangulo ng Lupong Panghalalan ng bansa.
Ayon sa Konstitusyon ng Biyetnam, Pangulo Tran Dai Quang ang manunungkulan sa Kataas-taasang Pinuno ng sandatahang lakas at Tagapangulo ng Lupong Pandepense ng bansa.